United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa alin mang dako na ukol sa madla ikaw ay magbihis n~g hindi masagwa; n~guni at huag naman ang napakadukha, ó kaya marumi, kung dili may sira. At kung babayi ka, huag mong pákapalan mukha mo n~g pulbos, pagka't di mainam: manipis na pahid marikit na tingnan, ang kinang n~g balat huag na di maparam. ¿May iinam kaya sa kulay n~g balat nating kayumangi't makinis, maligat?