United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Juan. ¿Ano pò ang sacunang yaon? Si Luisa. Natapus na: dumating ang man~ga tauong damó, at siya,y, nilamon. Si Teodora. ¡Dios co! ¿Tunay n~ga pô baga na siya,y, nilamon, ama ko? Ang ama. Hindi: hindi iyan, cundi ibang bagay na totoong quinatacutan niya para nang cung iihao siyang buháy niyong man~ga tauong damo. Si Juan. Maanong sabihin pò ninyo sa amin, at aco,y, nan~gin~ginig nang tacot.
Si Teodora. ¡Catacottacot! Ang ama. Pinasan ni Robinson sa balicat yaong malaquing pagóng, ó pauican, at dahandahan niyang dinala sa caniyang yun~gib. Diya,y, pinagpupucpoc niya ang balat sa licod nang pagong hangan sa nagputoc ang bandang ibabâ; at sacá quinuha ang laman at caniyang pinatay, pumiraso nang laman na caniyang iihao. Sa caniyang capaguran ay nagcaroon siya nang gustong cumain; at habang caniyang iniihao, ay pinagiisipisip niya cung ano ang caniyang gagau-in sa natitirang laman nang pagóng at nang houag masir