United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa siping n~g m~ga Kapulun~gan n~g catuiran ay malalagay ang casamahan n~g m~ga Pintacasi n~g República na pinan~gun~gunahan n~g Punong Pintacasi. Sila rin ang macapagpapatotoo sa m~ga gaua at casundong ibig pagtibayin upang paniualaan. Sa bauat bayan ay magcacaroon n~g isang Pintacasing-bayan na huhugutin sa m~ga kasanguning casalucuyan.
Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal nang paghahalal.
Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa lalong maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita n~g isa't isa.
Salita Ng Araw