United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Emperador naman tuwa'y sabihin pa kaya't si Honrado'y tinawag pagdaka binigyan nang tusóng karan~galan baga na isa sa m~ga Generales niya. Ipinakilala sa madla rin naman ang bagong General na ganap ang tapang magmula na noo'y pinagkatakutan yaong Inglaterra nang man~ga kaaway.
Dama'y nan~ga dingig ang sinabing ito silang lahat nama'y pawang nan~gagpayo anila'y humanap nang karangalan mo na maglakbay kahit sa ibang Reyno. Yaong si Honrado'y sa laking paggiliw ang payo nang Dama'y kusang minagaling at pinasiya nang lubos sa panimdim na man~gibang lahi't dan~gal ay hanapin.
Si Honrado nama'y sa malaking lumbay sa Hari't konseho siya'y napaalam hinanap ang kubo niyong Inang hirang at niyong makita'y humalik nang kamay. Ina ni Honrado'y lubos na nagtaka anak na General ay di makilala kung hindi ang n~gala'y nang ipahayag na kaya di masabi ang tinamong sayá.
Anopa't ang baya'y nalimutan halos sa boong magdamag ang gawing matulog dahil sa General na naging kilabot tuwa at pagpuri ay hindi masayod. Yaong si Honrado'y tutoong namahal sa Emperador at sa tao mang bayan n~guni't si Honrado'y naninimdim nama't tapos na ang taning nang Princesang mahal.
Salita Ng Araw