United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y dalauang lalaking una'y Hilderico, at ang icalaua'y Principe Pepino na sila sa Francia'y bilang heredero. Haring Sigesmundo ay niyong mamatay si Hildericos ang humalili naman, na ang Haring ito ay totoong banal at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.

Upang ang pusò niya ay huag malibang sa handog nang Mundong malicmatang layaw, ay cusang lumigpit at nang masunduan yaong ualang hanga na caligayahan. Matanto nang tanang man~ga consejeros yaong guinaua nang Haring Hildericos, sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.

Capagbinaui na ang búhay na hiram nang Dios na Amáng tunay na lumalang, ang cahima't sinong ualang cabanalan hirap sa Infierno ang cahahanganan. Lahat namang yaon palibhasa'y talos nang banal na Hari na si Hildericos, caya n~ga't uinalang bahala sa loob yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.

Na ang Hari nila na si Hildericos sa pananalan~gin ay hilig ang loob, lagui nang ang puso lamang ay sa Dios ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos. Caya't ilinagay nang man~ga consejo na Hari ay yaong Príncipe Pepino, at may sadyang tapang ang Príncipeng ito at masipag namang mag-ayos nang Reyno.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap