United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagdaan silá sa harapán n~g conventong tahanan n~g cura, na ang catotohanan ay hindî sahól sa m~ga ibáng lugar sa casayahan. Hindî napiguilan ni Sinang ang isáng sigaw n~g pangguiguilalás n~g canyáng makitang may m~ga ílaw ang m~ga lámpara, m~ga lámparang ang m~ga anyó'y sa caunaunahan pa, na hindî pinababayaan cailan man ni párì Salving siyang pag-ilawan at n~g huwag magcagugol sa petróleo. May nan~gariring na m~ga sigawan at malalacás na halakhacan, napapanood na ang m~ga fraile'y lumalacad n~g mahin