United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano bang gawâgawâ n~gaion n~g m~ga tawo dito sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, n~g usap. Ah! marami po n~gaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay. Ay sino sa inio ang nan~gan~ganihan? Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di n~ga po makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong.... Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá? ang pasaring n~g kausap.
....Umui na sa bayan ang m~ga nan~ganihan noong hapong yaon; n~guni't si matandang Tacio at si Juan ay umiba n~g daan. Narito na si Matandang Tacio! ang putol na sabi n~g isa sa m~ga nagkakaumpok sa bunsuran n~g isang hagdanan, na ang m~ga ito'y nagsisipag karay-kurus, ó nag tatan~gá simulá pa n~g makakain n~g tanghalian.