United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinapagharap, pagcatapos at pinapagcahig silá, at sa gayong paraa'y nauunawa n~g m~ga caawaawang m~ga hayop cung sino ang bumunot sa canila n~g isang maliit na balahibo at cung sino ang canilang macacalaban. Nagsisipanindig na ang canilang m~ga puloc, nan~gagtititigan at m~ga kidlat n~g galit ang siyang nan~gagsisitacas sa canilang mabibilog at maliit na m~ga mata.
Nagpatayô ang maestro n~g escuela n~g m~ga palosebo, n~g m~ga lucsúhan at nagpabitin n~g m~ga cawali't m~ga palayoc na iniuucol sa catuwatuwang m~ga larô. Nan~gaglúluponlúpon sa lilim n~g m~ga cáhoy ó sa ilalim n~g balag ang caramihang taong masasayáng m~ga cúlay ang damit na bihís, at sila'y nan~gagsisitacas sa maningning na áraw. Nan~gagsisipanhíc ang m~ga bat