United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito,y, man~ga sumacay sa sasac-yang yaong galing sa América na patun~go sa Inglaterra; at ang lahat nang casacay ay nan~gagpapatotoo na totoong mabubuting tauo. Totoong malaqui ang pagibig nang ina sa anac, na ayao cumain nang anoman, at ibinibigay na lahat sa caniyang anac; at gayon din naman itong mabuting anac na ang lahat ay ipinacacain sa caniyang ina. Ang tapat na loob na alilang babayi ay totoong nagpipighati dahil sa caniyang man~ga pan~ginoon na mahiguit sa pagpipighati niya sa caniyang sarili. Inacalang patay na ang tatlong ito; datapoua,t, hindi naglaon at napagtalastas na may natitira pang caunting buhay, sa pagca,t, bahaguia na lamang binusan ang bibig nang caunting sabao ay iminulat na marahan ang canilang man~ga mata. Ang ina,y, totoong nanghihin
Salita Ng Araw