United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa mestisang kay Elsa.

Elsa ... anya sa mahinahong pamimigkas. Nalalaman kong si Teang ay para mong tunay na kapatid at dati kayong matalik na magkaibigan. Nalalaman ko rin na ang kaligayahan at kapalaran n~g isa sa inyo ay di lamang hindi ipagdaramdam ni ikaiinis n~g isa pa, kundi bagkus ikalulugod n~g walang pasubali.

Nalalaman ko namang paibaibang talaga ang lagay n~g panahon.... Wala akong ibig sabihin kundi ang pagpapaubaya sa iyo n~g boong kapasiyahan. Marapatin mong magsarili kita, salamat: magsama ka naman n~g kahi't sinong mabutihin mo, salamat din ... Ako ay walang hindi kinadoroonan. -Kung gayo'y hihintayin ko ang araw at pook na iyong itatakda. Salamat, Elsa. ¡Adios! Taglayin mo ang aking alaala....

Dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'y tinatanuran n~g isang nakapatun~gong salamin ang napili nilang pagtigisahan. At pagkahilig sa tinurang likmuan ay si Elsa ang unang nagbukas n~g pananalita. ¡Pinapagtataka mo akong lubha sa m~ga kilos na iyong ipinamamalas sa akin! ang wika. Natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa m~ga tulain.

Elsa, ang tawag n~g manang sa mestisa, may pinagkakaguluhan sa ibayong kuwarto sa dakong itaas. Marahil po'y isang may malubhang sakit na naghihin~galo na, ang tugon n~g tinukoy. ¡Kaawaawa naman! ¡Nakapan~gumpisal na lamang sana! ang padalan~gin pang saad ni manang Magda. ¿Bakit n~ga kaya't nan~gagtatakbuhan ang m~ga mediko't nurse na doon ang tun~go? ang tanong pa rin ni donya Basilia.

At ang paraang dapat kong gamiti'y ang lunurin siya sa galak, lasin~gin ang puso niya sa alak n~g aliw at kung mangyayari'y suubin ang kaluluwa niya n~g kamanyang n~g ligaya, hanggang sa pumaimbuyog sa lawak n~g pan~gan~garap ang kanyang diwang kapatid n~g m~ga salamisim, ang wika pa ni Elsa, habang tanggap siya n~g tanggap sa bawa't putaheng sa kanya'y idulot n~g makatang kapiling.

Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan.

Sinasabi n~g kalatas na yaong ang sigwa ay kay Tirso nagbuhat, ¿nababagay n~ga kayang ang makatang ito ang sumaklolo't sumagip kay Elsa? Sa laran~gan n~g pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso n~g tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran n~g makatang si Tirso ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapan~galawa sa tanang nangyayari, at kung sakali't mayroon ay bihirangbihira.

¡Elsa! ... Nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa Pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin n~g mahabang sulat na nasa bulsa ko sa m~ga sandaling ito; nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko n~gayon dito.... Ang mestisa ay pinamulahan n~g mukha't hindi nakakibo.

¿Si Elsa kaya, hanggang sa m~ga araw na iyong hindi pa nagkakaroon n~g katuparan ang salitaan nilang pagtatagpo sa panonood n~g sine upang doon pagpasyahan ang suliraning ipinaghihintay n~g magiging loobloob n~g makata, ay hindi pa dinadalaw n~g dating katiwasayan n~g kaluluwa? Naramdaman ni Tirsong ikinaiinip niya ang hindi pagkakatuloy n~g kanilang tipanan n~g mestisa.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap