United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tuloytuloy n~ga silang nasok sa silid na kinararatayan n~g makatang si Tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing. Napuna ni Elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na m~ga taling kayo sa ulo n~g natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya Basilia, at mandi'y itinanong kung sino ang maysakit na iyon.

Subali't ... ¿bakit kaya baga't napagmasdan nilang may n~giting gumuhit sa labing maputla n~g lalaking yaon? ¿Nakagising kaya o nananaginip? Lumapit si Elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag: Tirso.... Dapwa't ang lalaki ay hindi sumagot, ¿Sinong Tirso iyan? ang di napigilang usisa n~g manang kay donya Basilia, pagkarinig sa pan~galang iyon.

Kung ang m~ga lalaking iyon ay walang napunang panglalamlam n~g dating masayang mukha ni Elsa kapagkarakang ito'y makiharap sa kanila nang gabing iyon, disin ay may nagdamdam na sa ganyang m~ga kataga na walang kagatolgatol na kanilang narinig.

At natiwasay ang kalooban ni Tirso. Datapwa, natapos ang pelikulang idinadahilang ibig na panoorin, ay hindi rin umaan~gat sa upo ang mestisa. Sa gayo'y parang nakaino ang makata. ¿Hindi pa kaya dumarating si Quezon sa m~ga sandaling ito? malumanay na itinanong. Marahil ay malapit na, ang naging tugong tila wala sa loob ni Elsa, pagkaraan n~g saglit na di paghuma. ¿Ano, di pa po ba tayo lalabas?

Tangi po sa riya'y nakatukatulong din niya ako sa kanyang m~ga lakad para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman. ¿At may nililigawan pa bang iba? Di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na. ¿At saka n~gayo'y si Elsa Balboa naman ang kasama? ¡Iyan po ang labis kong ipinagdurugo n~g puso!

¡Napilya na naman tayo ni Elsa! ang malakas na wika n~g isang nanun~gaw pa sa bintana pagkabalatong n~g pagsasayaw. Sapul pa kanina'y pawang sa ganyang tugtog sa patay tinatapos ang alinmang tandang ating sayawan. At malinaw nang nawatasan ni Tirso ang tinig n~g maganda niyang paraluman. Kayo ay hindi ko pinipilya, ang sabi.

Kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan n~g bawa't bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad n~g katan~gitan~ging buhay ni Elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa't gawi, kilos at pan~gu~gusap n~g matalinong mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa m~ga sadya niyang layon at lihim na han~garin.

¿Nariyan po ba si Elsa? ang nagkakanggagahol pang tanong n~g nasa lupa. Narini; magtuloy ka, at tumawag noon din n~g isang alila at ipinagutos na buksan ang pinto sa sibi. Parang dinagukan ang dibdib ni Elsa at, malaong hindi nakapan~gusap, pagkatalos na ang dumarating ay kanyang kapatid, at sa isang may baklang titig sa ale'y waring ibinulong: "¿Paano ang idadahilan ko?"

Datapwa't ang namalas ni Tirso ay pawang m~ga lalaki rin ang nagsisiindak na magkakayapos sa gitna n~g bulwagan, at anino man ni Elsa ay di niya matanaw. Inakala niyang si Elsa ang nunugtog n~g piano.

Nanaginip ka yata, ang wika pa n~g matandang iyong ale ni Elsa, samantalang ang mamang nama'y napapatun~gan~gang hindi makaimik. Nagitla si Tirso sa gayong sinabi. ¿Bakit kaya't nalalaman yata n~g matandang iyon ang panaginip niya? ¿Binigkas kaya niya n~g malakas ang tulang maliwanag pang nalilimbag sa kanyang pangtanda? ¡Oh, baka narinig na ni Elsa ang pagkakabanggit niya sa n~galan ni Teang!...

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap