United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong paggamot sa bangkay upang manatili at huag mabulok ay inugali rin n~g maraming lupain at lalo na sa Ejipto, dahil kapaniwalaang ang kaluluwa'y nagbabalik uli at ani Simon Henry Gage, ay sinaysay ni Diodoro ang kapanalígang ito noong taong 484 bago nakatawang tao ang Pan~ginoóng Jesucristo.
Itong ugaling pagsuob sa pagpapanatili sa bangkay na huwag matunaw ay lubhang matandang ugali na di malaman kung ito'y katutubong ugali sa Ejipto ó ating minana pa sa iba. Ang m~ga taga Peru ay nag-ugali rin nito, datapwa't karaniwa'y di pa nilalagyan n~g gamot at sa lupang maapog na lamang itinatapon.