United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya isang hapon ay nabasa sa isang malaganap na pahayagan ang ganitong mga titik ng balita: "KAIBIGANG MAY KARAMDAMAN" Ang aming matalik at kasamang si G. Eduardo de la Rosa ay malaon ng nararatay sa banig, dahil sa isang sakit na dumapo sa kanya.

Ang puso ni Eduardo ay waring nasa tunay na tampok ng kanyang kadakilaan. Nalulugod siya ng gayon na lamang. Lalo at lalong nagkakaroon ng kahulugan sa puso ni Eduardo ang gayon. Tagumpay ... Tagumpay nga ang lahat sa kanya! Halos lihim na napalundag ang kanyang puso sa galak. Kay buting palad nga naman! May maningning na pagasa at ginintuang pangarap ang ating binata!

Huwag mo nang pakialaman ako. Hindi Eduardo, ang sakit mo, ay sakit ko rin. Leoning, lumayo ka na sa akin. Hindi na maaari ang lahat. Eduardo, hindi, asahan mong mahal ka pa sa akin kahit ako ay may asawa. Mahal? oh! Leoning. Maniwala ka. Dahil sa sumpa mong nilimot? Eduardo, hindi ako lumilimot!

Leoning, hindi sa pagpuri ng harapan ay masasabi ko sa inyong si G. de la Rosa ay isang mapagwagi sa katalinuhan na siyang karapatdapat putungan ng laurel ng tagumpay. At pagkasabi nito ng kinatawan ay tinapunan ng isang tingin ng ating binibini ang binatang pinapurihan. Ang tinging yaon na may kahalong ngiti ay nangahulugan para kay Eduardo ng isang pangarap na puno ng pagasa at buhay.

Nguni't, oh palad! Naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka't buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si Eduardo. Sadyang si Leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. Minsan lamang kung sumumpa sapagka't siya ay may dangal at may puri. Ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.

Para ng langit na ngayo'y puno ng ulap at wala ni isa mang bituin, iyan ngayon ang waring nakikita ni Eduardo. Wala na, ang mga kaaliwan ay naglaho na sa kanyang lahat. Naglaho na sa kanyang palad ang maningning na pagasa at ngayon ay waring madilim at mga luksa ang kanyang nasisinag. Wala ng paglingap sa kanya si Leoning!

Palibhasa'y ang mga bintana ay nakabukas na lahat kaya't ang ganda ng pagkakaayos ng ilang bahagi ng loob ay di naging kaila sa paningin ng ating binata. At, dumating na ang ikawalo ng gabi. Di pa nagsisidating ang hinihintay nina Eduardo: ang paguwi nila Leoning. Inip na inip na si Eduardo. Sa mga gayong oras ay dapat nang magsiuwi sila sana, sapagka't matagal nang tapos ang tugtugan sa Luneta.

Tila po naman lampas ang inyong papuri Bbg. Ester. Hindi po ikinararangal ko nga at ang kaibigan kong Pako ay nagkaroon ng isang matalik na kasamang matalino. Na, inyo pong alam na G. de la Rosa. Na sino po siya ang tila pakunwari ni Eduardo. Alam na po ninyo. Hindi ko po siya kilala. Kilala po ninyo.

Nabasa ng ating kinatawan ang kalagayang yaon ni Eduardo at sa pangyayaring yaon ay nakapagsabi rin sa sariling: Sayang na bata. Sayang na sayang ang kanyang magandang pagasang hinaharap. Sayang kundi magbabago ang kanyang karamdaman. Marami ang sa kanya ay nanghihinayang. Kulang palad nga naman siya.

Iniwan niya ang pamumuhay na walang payapa, iniwan ang lasong mga namamalas sa ginagawang isang asawang naglilo. Iniwan niya ang lahat na makamandag na ngiting idinulot sa kanya ng asawang taksil. At, ngayon si Leoning! Ano ang magiging palad nito? Ngayon ay lubos nasuklam na rin sa kanya ang isang Eduardo dahilan sa masamang halimbawang kanyang ipinamalas.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap