United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Ah, at sino man sa m~ga nagpapanggap na ministro n~g isáng Dios na bucál n~g cagalin~gan, ulirán n~g pagcamahabaguin, na nan~gagpaparoo't parito sa panonod cay Rizal sa capilla'y walang nábalinong mamag-itan sa Gobernador at Capitan General n~g Filipinas, upang howag ituloy ang gagawing catampalasanang walang mapaghalimbawaan n~g samâ!... ¡Hindî guniguní man lamang n~g m~ga mababan~gís sa walang sandatang mailaban, na ang m~ga putóc na áamis n~g mahalagáng buhay ni Rizal ay siyang magguguhò n~g canilang capangyarihan sa Dulong Silan~ganang itó!...
Salita Ng Araw