United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon. Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis.
Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.
Salita Ng Araw