United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa cawacasa'y lumayô ang m~ga maglalacbay at nagbuntóng hinin~gá si Sisa. Inihiwalá niyáng sandalî ang panyô sa canyang mukhâ upang canyáng matingnán cung silá'y maláyò pa sa báyan. May nátitira pang iláng m~ga halígui n~g telégrafo bago dumating sa "bantayan". Cailan ma'y hindî niyá náramdaman ang caunatan n~g gayong láyò, cung dî niyón lamang.
Tila mandin walang sinadyâ n~g nagbibigay paroon cung di bantayan si María Clara, na ang tinataglay na cahapisa'y nagbibigay sa canyang cagandahan n~g isang anyong cahimahimalá sa ningning at cahalagahan, na ano pa't napagwawaring tunay n~g ang may catuwirang siya'y panoorin n~g boong pagliyag.