United States or Luxembourg ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa labas n~g bayan ang nangyayari nama'y nabibihis ang m~ga tagabundoc n~g lalong magagaling nilang pananamit upang dalhín sa bahay n~g canicanilang mamumuhunan ang pinatabang magalíng na m~ga inahing manoc, m~ga baboy-ramó, m~ga usa, m~ga ibon; inilululan n~g m~ga ibá sa mabibigat n~g hilahing m~ga carretón ang cáhoy na panggátong; ang m~ga iba'y m~ga bún~gáng cáhoy, bihirang makitang m~ga dápò na nasusumpun~gan sa gúbat; at ang m~ga iba'y nagdádala namán n~g big

Iguinagalang ang gúbat na iyón: may m~ga sali't-sáling sabing sinásalitâ tungcól doon; n~guni't ang lâlong malápit sa catotohanan, at sa pagca't gayó'y siyang hindî lubhang pinaniniwalaan at hindî naman napag-aalaman, ay ang sumusunod: Nang ang baya'y walâ cung isang walang halagang tumpóc n~g m~ga dampâ, at saganang sumísibol pa sa pinacalansan~gan ang damó; n~g panahóng yaóng pagcagabi ay nanasoc doón ang m~ga usá at m~ga baboy-ramó, dumatíng isáng áraw ang isáng matandáng castilang malalálim ang m~ga matá at totoong magalíng magwícang tagalog. Pagcatápos na matingnán at malíbot ang m~ga lúp

Walâ siyang inísip sa boong maghapon cung ang m~ga ligayang tatamuhin niya pagdatíng n~g gabí: canyang nabalitaang óowî ang canyang m~ga anac, at canyang inísip na sila'y canyang pacaning magalíng. Bumilí n~g m~ga lawlaw, pinitas sa canyang malíit na halamanan ang lalong magagandang camatis, sa pagca't nalalaman niyang siyang lalong minamasarap ni Crisping pagcain, nanghin~ sa canyang capit bahay na si filósofo Tasio, na tumitira sa may m~ga limangdaang metro ang layò sa canyang tahanan, n~g tapang baboy-ramó, at isang hit

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap