United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo.
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay. Paombon y Mayo 10. 185 ...