United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Walang malamang gawin at waring nabibilot ng ulap ang kangyang pagiisip. Kaya walang nasabi sa sarili kundi: Ay! ano kung marinig ko na ang halakhak ng tao at ng lalaking yaong nagtaksil sa akin? At, ang kaawaawang si Daniel na pinagsukaban ng asawa'y tuloy umalis na lamang, na kung kaya malatang-malata ang katawan pagsapit ng sariling tahanan.

Datapwa't ang mga kilos ni Leonora nang umagang yaon ay siya ngang napansin niya na sa pagkapansing yaon ay nagkaroon siya ng masamang kutob ang loob. Ngayo'y naninibugho ang kanyang damdamin sa dahilang iba't iba ang nakikita niyang kilos kay Leoning. Waring napansin niya ngayon ang lahat.

Si Eduardo ay wala na, wala na nga siyang magandang pagasang papangarapin. Naglaho na sa kanya, lumubog na ang maningning na araw na may dalang kapalaran. Dahil sa sumpa mong nilimot, si Eduardo ay nangungulila, nalulungkot at untiunting nawawalan ng sigla at waring nagtutumuling lumulubog ang pagasa. Si Eduardo ay isang sawi, isang walang pagasa, walang aliw, walang lugod sa buhay.

Pilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay waring nakikita rin niyang lagi, sa kanyang mga balintataw ang magandang larawan ni Leoning. Sa kanyang pagkakahimlay, ang maliwanag na sikat ng buwan ay waring nagtatanod sa kanya.

Palibhasa'y hindi mo rin ako sinagot, ay ako na ang nag-sabing PAGIBIG na nga at idinugtong ko pang "INIIBIG KITA". Makailang araw ay nagbago ka: oo, nagbago ka. Ang masasaya mong ngiti'y bahagia mo nang ipamalas sa akin at sa nagsisunod na mga paguusap natin ay waring nabibigatang kang sumagot sa aking mga sinasabi; subali't nahalata kong nagtatampo ka't nalulumbay pa pag hindi kita nadadalao.

Ang tubig ay hanggang dibdib lamang, at makaraan ang ilang saglit, ang mga babae'y nagsamasama't ang mga lalaki nama'y nagtulong-tulong sa paglimas ng bangka; datapwa't ikaw ay hindi kumilos sa iyong kinatatayuan at waring galit ka pa.

At ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay napagisa ang mga damdamin at puso. =Kasaysayan ng isang halik= Sa matalik na kaibigang Marcos de los Santos, lumikha n~g tugtuguing "Los Literatos Tondeños". Gabí noon. Ang bowan na ng mga nakaraang araw ay waring ikinakait ang kaniyang magandang kulay, ng gabíng iyon ay maliwanag at bahid mang dun~gis ay wala.

Ang mga tanawin ay sadyang, nakasasabik pagmalasin na para bang ang isang bayang may sapot na ulap ng pagkabusabus ay di pinakikitaan sa mula't mula pa ng kalikasan ng ganito. Waring ang lahat ay tulad ng bulaklak na sariwang nagkakasiya sa patak ng hamog ng isang gabing yaong lipos ng tulain at pangarap sa mga pusong uhaw sa katamisan ng malayang buhay.

At sa gayon ay pamuling nagsalita ang lalaki: Leoning, marahil ay sukat ng maniwala ang aking sarili na ang hindi ninyo pagsagot sa akin ay nangangahulugan ng pagsangayon. Hindi ba Bb. Leoning? Datapuwa't ang binibini ay lalo ba waring napipi. Ano ang naghari sa kalooban ng isang Eduardo?

Nagkakahiyaan noong una datapuwa't ilang saglit lamang ay nagiba na ang kanilang damdamin: waring naguusap ng kusa ng tapatan. Nawala ang mga sandaling kanilang kanina ay pinapaghaharing katahimikan. Waring nangapipi ng hindi naman. Ang naghahari sa kanilang puso ay ang pagirog, ang pagibig na malinis. Magkapiling ngayon ang kanilang mga damdamin na waring mga dati'y nabilanggo.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap