United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya't ang sinabi sa malamyos na pamimigkas: Elsa, ¿hindi mo ba nahuhulaang sa m~ga taga "Centro Escolar" ay wala akong mapipiling isa mang maganda? Mangyari'y wala na roon si Teang.... Namamali ka; mangyari ay ... wala nang iba pang babaeng may ganda't alindog na gaya n~g mestisang nasa piling ko.... ¡Sinun~galing! Siyang tunay, Elsa.... Maano Tirsong magtahan ka niyang m~ga kaululan mo.

Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga salagimsim. Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka.

M~ga kasama, ang itinugon ni Tirsong walang kan~gitin~giti, tila sa bagay na iya'y talagang masisira ako, n~guni't ... hindi ako ang maysala. ¡Magpapakasira, saka maghihinaw!... ¡Talagang sinun~galing na makata! ¡Saka maramot! ¡At manunuba pa! ¡Palibhasa'y hindi ninyo nalalaman ang nangyayari! ang tan~ging naipakli ni Tirso. ¿At talaga bang may "nangyayari" na? ¡Kaya pala!... ¡Ha-ha-ha-ha!

Ako'y walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas n~g makata. ¿At sino naman ang susulat sa akin sa m~ga araw na ito? Si Teang ... si Elsa.... Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa.... Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni Martinez ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? ¡Talagang hindi namamali n~g hinala si Martinez!

Kung gayo'y makasusulong ka na n~gayon pa; at ... tataglayin mo ang aking maligayang bati. ¿At ikaw? Maiiwan na ako rito. Baka mayroon kang katipanan.... ¡Mayroon n~ga! ¿Sino? Hindi kailan~gang makilala mo. Nagalaala si Tirsong baka "magpinid n~g tindahan" sa di oras ang kanyang irog.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap