United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Kahi't saang tumatahip na lupa ako maparoo'y hintayin mo ang sulat ko, bago ka lumiham sa akin." Ang hindi pagkakaroon n~g katuparan n~g ganyang pan~gakong iniwan ni Teang kay Tirso ay di sasalang lumilikha na n~g kabalisahan sa kalooban n~g makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang araw sa gitna n~g kanyang mainip na paghihintay.

Oo, ako n~ga, itinugong kakabakaba ang dibdib sa pagdadalang takot. At ang tumawag ay napaharap noon din sa dalawa. ¿Sino ang kasama mo? ang may katigasan pang tanong n~g sumalubong. Si ... Tirso, ang sagot n~g dalaga. Ako, ang pakilala naman n~g makata. At, noon din ay samasamang lumakad ang tatlo n~g ang sinoman sa kanila'y hindi nagbibitiw n~g kahi't isang salita.... Malungkot si Elsa.

Nakaramdam si Tirso n~g isang malaking pagkahapo n~g katawan. Sa kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil n~g pawis, samantalang ang m~ga litid n~g dalawang paa'y tila bahabahagyang tinatakasan n~g lakas. Makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya.

Iyan ang may asawang si aling K * na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni Martinez. ¿May asawa ang babae? itinanong ni Tirso. Mayroon, n~guni't ang kasamang iya'y hindi siyang nagmamay-ari sa kanyang pan~galan, ang paliwanag pa n~g mestisa. Saka ang asawa raw n~g babaeng iyan, Tirso, ay walang pan~galawa sa kabaitan, ang susog pa ni Dioni.

Madla n~ga ang nagpapalagay na ang pagkalalaki n~g isang paris ni Tirso ay dapat kilatisin ang uri sa kasanayang magsamantala sa masisimbuyong silakbo n~g damdaming katutubo sa babae, at ang alinmang pagpapalampas n~g m~ga pagkakataong nasa naaabot n~g kamay ay itinuturing na isang kadun~guang nararapat sa dilang paglait.

N~guni't n~gayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang tumawa ... At di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod at magpasalamat.... ¡Sukat na n~ga iyan! ¡Kundan~gan pati ako'y ibig mo na yatang paglakuan! Masaya n~ga ang dalawa. At ang gayong malamang nang pagkabunsod n~g tipanang pagkikita nila ni Tirso, ay sapat nang makapag-pasigla sa diwa at katawan ni Elsa.

Subali't walang anoano'y tinanggap n~g kanyang m~ga tayn~ga ang ganitong malambing na tawag n~g birheng iyon na wari'y naghihimala sa harap niya: ¡Magtuloy ka, Tirso! At ang lalaki'y napalin~gon sa kabila. At ang babae, sa gayong pagkakimi, ay madaling nakahalata. Kaya't sa nakakikiliting kilos ay itinanong n~g boong lamyos: ¿May hinihintay ka bang kasama?

Dito ay di na maitugon ni Tirso ang hindi ikapangyayari n~g ganyang hinuha. Nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan n~g isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha't kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. Isang kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing "sampu mang asawa ay makikita kung mawala, datapwa't hindi ang isang magulang."

At si Tirso, ang makatang tuwina'y may salamisim sa diwa, may gayuma sa mata, may pulot sa labi't may lambing sa bawa't kilos, ay natatalagang huwag lumayo kaunti man sa piling n~g mestisa.

Ang pagpapagunita sa iyo, tan~gi sa aking m~ga sinabi, na ang pangusap n~g kapatid, gaya n~g sa magulang, ay nakatataba sa puso n~g pinan~gun~gusapan. Maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa't ang sinasabi ko naman, Tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na iyon. ¡Kung narinig mo sana ang m~ga salita niyang halos masasabing pagtataboy sa akin!

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap