United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga kasama.

At sa panghuhula mong iya'y walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, sapagka't kakanin ko n~g boong pananabik ang ... iyong mansanas. Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso. Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa.

At ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap n~g naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla n~g mukha't ipangrimarim n~g budhi, ay hindi pa niya nagaganap. ¿Hindi kaya isang marun~gis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay Tirso upang gumamit n~g gayong m~ga bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?...

Hindi natataho ni Tirso ang lihim na kinikimkim sa diwa n~g kanyang magandang liyag. Di niya nahuhulaang nang ibig lamang noon ni Elsa ay gabihin sila sa loob n~g sineng iyon, upang sa paglabas ay magkaroon n~g mabuting panahon ang pagsasagawa n~g balak niyang taglay-taglay sa isip.

¡Huli na yata tayo! mahinayang na saad ni Tirso. ¡At dumating na pala! ani Elsa naman.

Napamata na lamang si Dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag n~g mestisa. Ang m~ga unang kutob n~g loob niya hinggil sa gayo't ganitong maaaring maging katuturan n~g kilusa't palagayang malimit niyang mapuna sa hipag niya't kay Tirso, n~gayo'y hindi kutob lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya't siyang inaamin n~g kanyang kausap.

¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing kalagayan!... ¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan? Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya....

Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g martir na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.

¡Huwag kang magbiro't sadyang totohanan itong lakad namin! anang isa namang singlaki ni Sochong. At noon di'y sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. Matulin namang sinalubong ni Tirso. At ... ¡sabihin pa!

At nang kanilang dunghali'y natunghan ang isang babaeng anyong alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo n~g m~ga bulaklak. Ang mukha n~g babaeng iyon ay dating kilala ni Tirso, kaya't oras na makita'y dagli siyang nanaog na sumalubong.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap