United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi na sumagot si Tirso. Di na lamang niya anhin ay matapos na ang gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. Sa bawa't dalawa o tatlong sabihin ni Martinez ay palad nang siya'y magbitiw n~g isang kataga.

Halika sa loob, Tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong ayos, anya. Masok ka, at may m~ga kalugodlugod na balita akong iuulat sa iyo. Pagkarinig sa gayong binigkas n~g dalaga, isang pagkahalinang hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman n~g makata sa kaibuturan n~g kanyang sumisikdong puso. Kaya't pigil halos ang paghin~gang sumunod sa nais n~g magandang si Elsa.

Si Elsa'y biglang nakaramdam n~g kaba n~g dibdib. ¿Ano na kaya ang ibig sabihin n~g gayong pagtatanong?... Sabihin mo, Elsa, ang wika na namang narinig sa lalaki, ¿natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot n~g kadiliman at sa loob n~g isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw n~g tubig? At ang mestisa ay nangliliit manding sumagot n~g bahagyang: Hindi naman, Tirso....

At habang tumatakbo ang trambiang kinasasakyan niya, ay napaguulitulit namang sinasabi sa sarili ang ganito: Paggaling ni Tirso, na sapilitang mangyayari n~g hindi bibilang n~g maraming araw, yamang pinatutunayan n~g medikong hindi naman kalubhaang gaano ang tinamong sugat, ay magiging isang katotohanan ang aming pagkakasal.

Ang dalawang matanda'y marahang lumapit sa naguusap. Sinalubong naman n~g makatang nakahiga n~g isang malugod at magalang na n~giti. ¿Kumusta? ang may kapalagayang loob na bati ni donya Basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon. Mabuti na po naman daw, ayon sa mediko ... mabanayad na pakli ni Tirso.

At ang ganyang pahayag ay pinatitibayan naman n~g m~ga napapansin n~g magkasama na m~ga palamuting palaspas n~g niyog, maliliit na watawat at m~ga parol hapóng walang sindi, saka tanikalang papel na nagsalabat sa lahat n~g panig n~g nasabing bangka. Narinig ni Tirso na painong itinanong ni Elsa sa matanda: ¿Bakit po wala kayong ilaw?

Naito ang mansanas, ang magiliw na alok ni Elsa sa kanyang panauhin. Nagpabili ka pa pala niyan, ang nawika ni Tirso pagkamalas sa ipinagaanyaya n~g mestisa. Nagpabili ako nito, Tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay mahulaan ko ang iyong m~ga niloloob.... ¿Sa paanong paraan?

Bahagyang naibsan n~g pabigat ang kaluluwa ni Tirso sa pagkapagusap nilang iyon n~g mestisang sumulat sa kanya. Gayon ma'y nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos namamalayan, n~g siya ay nanghihinamad mandi't walang alis sa pagkakatun~go sa ibabaw n~g kanyang sulatan. Dalawang linggong mahigit ang nadaan.

At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, si Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang kabalisahang hindi mailin~gid. Sa loob n~g bahay ay lumabas-masok siyang kung minsa'y sasayawsayaw at kung minsan nama'y huhunihuni n~g alinman sa m~ga kundimang kanyang nakakagiliwan.

At sa ginawang paguulat n~g ale ni Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni Tirso, ay napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. Hindi siya kumibo. Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isang nurse na humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.

Salita Ng Araw

tungmaos

Ang iba ay Naghahanap