United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî gayón naman ang aking acala, sabihin na ninyó ang ibig ninyóng sabihin; at cahi man tila mandín cayó ang sumasacatuwiran, ang cura rin ang siyang paniniwalaan co cailan man. Ang unaúna'y ililigtas co múna ang aking caluluwa, ¿anó pô ang sabi ninyó, capitana Tinay? ¡Ah, anó ang ibig ninyóng aking sabihin!
Hindî pô kamí aní n~g m~ga babai ang humanap sa kanilá, kundî ang inyóng m~ga kawal at silá ang kunwari'y nanuyò upang basagin lamang palá ang aming man~ga pinggán. Hindî lamang iyán ang dugtóng n~g isáng nagn~gan~galang Tinay kundî dinalá pa n~g demoniong asawa ko ang lahát n~g aking pan~gan~gari.
Túnay n~ga! ang bulóng ni capitana Tinay, na nagtataca sa carunun~gan n~g dalawa; ¿saan ninyó kinucuha ang ganyáng pagcagagaling na m~ga pan~gan~gatuwiran? ¿N~guni't ang "excomunión" at ang pagcapacasama? ang itinutútol namán n~g Rufa. ¿Anó ang capacanán n~g m~ga dan~gal at n~g capurihan sa búhay na itó cung mapapasasama naman tayo sa cabilang búhay?
¡Hindî co maipagcacait ang aking bendición cailan man! ang isinalabat n~g mabait na si capitana Tinay; hindî dapat sabihin n~g isáng iná iyan ...datapuwa't hindî co maalaman ang aking gagawin ... hindî co maalaman ... sa acal