United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang paraan naman n~g pagsulat n~g tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa m~ga insik at m~ga hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa.

TALABABA: Tungkol dito sa ayos n~g pagsulat n~g m~ga tagarito ay pinagkaroonan n~g iba't ibang isipan n~g m~ga mananalaysay.

Itong ugaling maglibing n~g paupo ay dating kaugalian sa Hilagang América at di umano'y naging kaugalian din sa Timog n~g Bretania. Sa akala ko ay sa Bisaya inuugali ito dahil sa ang luksa ay puti at marahil ay ginaganap ito pagcatapos na maiganti ang namatay kung sa digma namatay, ó kung pinagliluhan. =Ikalabing limang pangkat.= =Dating Pagsamba't Pananampalataya n~g m~ga Tagarito.=

Palibhasa't ang m~ga Tagarito ay nan~gamamayan at may m~ga tatag na pamahalaan ó balan~gay ay may m~ga hukom at tuntunin ring pinanununtunan. Itong m~ga tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balan~gay ay pawang alinsunod sa kanilang m~ga alamat at kaugaliang kinagisnan na di binabago at mahigpit nilang tinatalima.

Balican co uli ang m~ga calacal ay di dapat ligtaan ang calacal na alipin na di umano'y dito napagkikilala ang yaman n~g m~ga tagarito na gaya rin marahil noong panahon nina Abrabam, na ang may pinacamaraming alipin ay siyang pinacamayaman.

Anya'y isang katunayan ito na ang m~ga babae n~ga rito'y pinagbibigyan na mula pa noong una. =Ikalimang Pangkat.= Dating Pananamit At kalinisan sa katawán n~g m~ga tagarito Noóng unang dako ang m~ga tagarito ay magkakaibá n~g pananamit; na anó pa,t, sa Luzón ay iba sa Bisaya'y iba at gayon din sa ibang dako.

Ang dating ugaling ito n~g m~ga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali n~gayon n~g maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.

Mapaniniwalaang ang pananampalataya n~g m~ga unang namayan doon na gaya n~g m~ga Manobo, Tiruray, atb. ay ang sa Kamalayahan na halos kagaya n~g dating pananampalataya n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón: at sa catunayan n~g dumating dito ang m~ga taga España ay may, nasumpun~gan pang isang daco sa Mindanaw na pinan~gan~ganlang De Flechas ó n~g m~ga Pana na balang magdaan doon ay naghagagis n~g pana na pinatutusoc sa bato at siyang iniaalay nilang pinakahayin upan sila'y macaraang tiwasay, bagay itong dili iba't isa sa m~ga bahagi n~g capanaligan n~g m~ga taga Bisaya't tagarito sa Luzón, na alayan n~g cahi't ano ang m~ga pooc na kinalibin~gan n~g canilang m~ga nunò.

Sa pan~gin~gilin naman, ay hindi nan~gin~ginlin ang m~ga tagarito, maliban cung ang m~ga lalaki ay pasa digma, at cung ganito'y hindi gumagawa ang m~ga babae sa boong panahóng yaon.

Ang karamihan nitong m~ga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang m~ga kanunuan na lubha pa yaong nan~gabantog sa pamumuhay, dahil sa ayon sa kapanaligan n~g m~ga dating Tagarito ay napapa sa kaluwalhatian ang m~ga namamatay.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap