United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas.

Cun gayo,i, ang atay tungmitigas, ó tila may sungmasaquit doon, lalo pa cun bagong nacacain, ó cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anomang mabig-at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang canang taguiliran; nananab-ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig. Cun gayon ang icterecia , ay maliuag mauala.

Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. Lungmalaqui tuloy ang init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag-uubo; cun minsan ibig sumuca; sungmasaquit ang bay-auang; nag-iilaguin siya cun minsan nang malimit; ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,i, maputi, at cun minsa,i, nauuhao ang may catauan.

Pinan~gan~ganlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,t, sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,t, namumula.

Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang diarrea. Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan.

Cun napacarami ang quinain nang tauo bata ma,t, matanda man, ay sungmasama ang pagcaramdam, at sungmasaquit ang caniyang sicmura ó tiyan. Gayon din ang cungmacain arao-arao nang hindi macayanan nang sicmura niya, cun malauon ay nagcacasaquit naman nito ring ganitong saquit na ahito.

Cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing ó sungmasaquit ang bay-auang, ó ang tuhod bago painumin nang dita ay pupurgahin muna nang bilin sa número 21 ó 23.

Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag-ya na macahin~ga ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang man~ga taguiliran nang dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit.

Cun baga namamaga ang caniyang paa, houag alomanahin yaon, at mauauala pag siya,i, lumacad, at gumaling na totoo. Cun hindi nananabi minsan man lamang touing icalauang arao cailan~gang sumpitin, at lalo pa cun sungmasaquit ang ulo, at mainit ang caniyang pagcaramdam.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap