United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Silveira, ang ibig kong sabihi'y ang paris n~g iyong narinig. ¿Tinatalinghagaan mo ba ako? Hindi; at ang m~ga sinasabi ko ay maliliwanag. Kung maliliwanag ay sukat sanang mawatasan ko kaagad ang tukoy n~g iyong pan~gun~gusap, n~guni't ang totoo ay nalilito ako.

Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang Silveira, ang manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili. Kapag naghintay ay talagang may darating ... itinugon namang lihim n~g pinagsabihan. At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g mestisa ang loob n~g kabahayan.

Kung bagaman ay sa dahilang hangga n~gayo'y nagiisa pa rin si Silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak n~g dugo ni Elsa. Subukin mong gawin ang m~ga "kasanayan" n~g makatang iyan, at makikita mong ako'y hindi nagpapakalabis sa aking m~ga hakahaka. ¡Aywan n~ga ba sa mestisang iyan!... Paris n~gayon: ¿ano ang napanood natin?

Mamatay!" at hindimabuhay!" ang isisigaw ko, kapag ako'y hindi ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan na si Elsa Balboa, isinabad pa rin n~g malakas tatawa. ¡Ay Elsa! ... ¡Ay, Balboa!... ¿Di mo ba nakikilala ang Elsang iyan? ang halos magkatiyap na tanong sa nagsalita n~g kanyang m~ga kasamahan. ¡ Atrasado ka rin pala! idinugtong pa. ¿Sino n~ga ba ang babaeng ito?

Datapwa't hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan n~g tindahan ang m~ga lalaking kinaringgan n~g gayong salitaan. ¡Si Elsa at si Silveira sa hotel sa ganitong oras! ang pakagat-labing nasambit ni Martinez. ¡Ah, talagang ang kapalaran ay kanila na! Kaya dapat na tayong magpugay sa kanila, ang wika naman n~g manggagamot.

Hindi na po kailan~gan, ang tanggi n~g tinukoy. ¿At di ba kayo naniniwalang talagang siya at si Silveira ang nasalubong natin? Naniniwala rin, n~guni't ¿nasaan sila? ¿Ano't isang matabang negro ang nakatun~go natin pahinto n~g ating sasakyan? ¡Ang buwisit na negro ! At sumunod na naman ang pagkakain~gay n~g tawanan.

Pagkalampas n~g sasakyan nina Tirso ay halos nagkasabay ang pagulat na turing n~g dalawang lalaking kasalubong: ¡Si Silveira at ang mestisa! At kapwa hinabol n~g tanaw ang kanilang nakita. At ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto. ¿Nakilala ba ninyong mabuti? Dr. Nicandro? itinanong n~g nasa kanan sa kanyang kaagapay.

¡Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao! ¡Ah! ¿Ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan n~g "Aklatang Bayan"? ¡ Balu ku na ketang misterio ! Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso Silveira.

Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga kaibigan ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. Mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang inaatupag. ¡Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong ikaaabot kay Silveira! ang wika n~g pandak.

Salita Ng Araw

pagcalág

Ang iba ay Naghahanap