United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharáp sa kasama ni Gervasio ... Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala.

Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling nito. ¿Anó, kumusta, m~ga kasama...? ang unang bati ni Mauro na nakan~giti ¿Anó ang inyong layon...? Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling ang m~ga matá kay Serafina.

Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal sa kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g tungkulin niya, sa m~ga sandaling yaón ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y pinagbiyayaan n~g matatamis na halik.

Serafina ... Serafina ... ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang kamay n~g asawa ¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang sinasapit n~g m~ga manggagawa! ¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá? ¡Nagkakaisa!

Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa: ¿Bakit ka nalulungkot? ¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan? ang sunodsunod na tanong ni Serafina.

Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't bagay na makakaya.

Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga palasong tumímo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay nan~gatubigan sa pagkakaupo. Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g sakláp at paít.

Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa haráp n~g m~ga kasawiang laging inaabot n~g maraming aklasan at n~g ano mang kilusang manggagawa, ang m~ga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong gagawing kalasag ... Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang paguusap n~g mag-asawa.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap