United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g alac.

Saca, sangrahang agad, at cun malaqui ang hirap niya, ay uul-ing sasangrahan. Ito lamang pagsasangra, ay macacaguinhaua sa caniya, cun ang pinagmul-an nang saquit ay ang maraming dugo: caya hindi sucat bayaan yaong pagsasangra, dahilan sapagca ang pulso ay mahina, at pag nasangrahan ang may cataua,i, lalacas ang pulso.

Ang gagauin doo'i, gayon: Pinahihiga capagcaraca ang maysaquit, pinipilit siyang tungmahang ilang arao doon sa hihigan, na mababa ang ulo, na ualang quibo, at ualang imic man; sasangrahan agad sa camay hangang sa macuha ang timbang ualo ó siyam na pisong dugo. Houag pacanin nang carne, itlog, ó sabao nang carne, cundi canin, gatas, etc. na malamig cun canin.

Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailan~gan sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa man~ga binti ó doon sa lugar na masaquit.

Susumpiting macadalaua man lamang arao-arao nang bilin sa número 5. Pag nacaraan ang guinao, sasangrahan pagcaraca, na ang dugong cucunin, ay timbang labing dalauang piso, ó labing apat cun ang maysaquit ay bata pa at malacas; itong pagcuha nang dugo siya ang bagay na gamot dito.

Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang ipacacain doo,i, ang linugao.

Sasangrahan naman ang ganitong maysaquit cun siya,i, malacas pa; harí n~gang magsaoli ang canyang pagdahac. Mayroong man~ga maysaquit na anaqui gungmagaling; datapoua,t, ungmuuli rin silang magcasaquit; saca gungmagaling uli, bago humalili na naman doon ang pag-cacasaquit; at mahirap man itong canilang buhay, sila,i, nalalauong di iilang taon, na hindi namamatay.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap