United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga matabang totoo ang may catauan, ay sasangrahan, susumpitin nang malimit, at pupurgahin nang man~ga mahihinang purga, para nang maná, ruibarbo, crémor tártaro: ó cun uala yaon, ang sa número 32 ay magaling din. Cun ang maysaquit ay nanlalatang totoo nang caiihi nang dugo, ay painuming macaitlo maghapon n~g bilin sa número 40.

Ang timbang anim, ó sangpuong pisong Mercurio na yao,i, bibilhin sa Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailan~gan sa quinagat nang asong ol-ol. Ang isang botellang Salitre, na pati ito,i, bibilhin sa Maynila. Ang ilang Pepita ni S. Ignacio, ó sa Catbalogan. Ang ilang caputol na sun~gay nang usa, na sinunog. Ang halagang dalauang pisong Ruibarbo, na babayohin at itatago sa botella.

Magaling din sa man~ga babaying buntis, cun cailan~gang purgahin ang timbang sa icaualong ruibarbo na ibababad na magdamag sa isang tazang tubig, bago inumin nang babayi cun umaga yaon ding tubig na pinagbabaran noon, na ito,i, gagauing ilang arao.

Itong purga nang cañafístula bagay sa babaying nacapan~ganac; ang timbang cahati ó tatlong bahagui noon. Ang timbang cahating hojas de sen ay ibabad mong magdamag sa tubig, na siya ang iinumin cun umaga. Ang isang tazang tubig na pinagbabaran nang timbang saicapat na ruibarbo. Ang timbang dalauang pisong maná,i, tunauin sa isang vasong suero nang gatas.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap