United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tumindig ka't tila hindi mo na ako ibig kausapin; at anyo kang aalis, nguni't napigilan kita at nang titigan ko ang mukha mo'y nabanaagan kong dumadaloy sa binurok mong pisngi ang luhang buhat sa iyong pusong naghihinanakit. Ipinatalastas ko sa iyo na ang aming pagalis ay biglaan at ang aking pagsama'y sa kaibigan ng tatay ko na ang aking ina'y huwag mag-isa sa paglalayag.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Sa palaciong bantog nang lilong si Pluton caloloua niya ay doon humantong, ang hirap, dalita, pighati,t, lingatong laguing linalasap nitong tauong pusong. Di maca aalis magpacailan man ang Can-Cerbero,i, bantay sa pintuan ang balang pumasoc pinababayaan, n~guni,t, ang paglabas ay ibinabaual.

Para n~g halamang lumaguí sa tubig, daho,i, malalantá munting madilig, iquinalolo-óy ang sandaling init, gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig. Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá, dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá, ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.

Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka't pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó'y hindi makatutugon sa iyóng pita.

Magmula na noo'y natanim sa loob nang mahal na Hari ang malaking takot yayamang kaniyang tunay na natalos na ang gawa niya ay laban sa Dios. Ito'y siyang saksing dapat na ilimbag sa ubod nang pusong di dapat maghan~gad niyong kayamanang di sariling hanap lalo na't sa gawang di mabuti buhat.

Naging masigla siya buhat ng mga sandaling bitiwan ni Leoning ang oong kanyang malaon nang ninanais makamtan. Kay palad nga naman niya! Tinamo rin niya sa kabila ng pagod at masasaklap na pagtitiis ang ligaya ng kanyang puso. Samantala, si Leoning ay nalulugod din naman sa kabilang dako. Pusong umiibig sa kapwa puso ay pusong naliligaya. Kay tamis dilidilihin!

Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatablán n~g isang malaking kahihiyán.

Waring nagbabalita kay Eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. Waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. Waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap.

Parang pangarap lamang ang lahat. Oo, pangarap, pangarap lamang ang maligayang kahapong kanyang ipinagduyan sa kandungan ni Leoning. Pangarap lamang na hindi na pamuling mangyayari pa. Wala na, at wala na siyang tanging pagasa kundi limutin ang lahat. Oo, limutin na lamang at siyang tanging magiging lunas ng kanyang pusong sawing palad. Datapwa't anong hirap gawin ng lumimot!

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap