United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang maysaquit ay nagpamula na nang pag-inom nang dita, ay hindi sucat purgahin, at uuli ang lagnat. Sa lagnat na pan~giqui na nagmamacatlong arao, ay hindi bagay ang pagsasangra. Cun gayon, pati pan~giqui, pati lagnat, ay hindi lubhang malaqui.

Sa icapat ó icalimang arao ay purgahin nang bilin sa número 21. Pag nacalalo ang pitong arao, ay pupurgahin uli, at bago pacanin ang maysaquit cun umaga, at bago siya humiga nang gab-i ay papahiran nang ungüentong bilin sa número 52 ang lugar na sinisibulan nang galis.

Hindi sucat pasucahin ang lungmulura nang dugo, ang linuluslusan, ang mahina ang dibdib, ó ang totoong mataba ang catauan, ang binubusan nang dugo, ang napainom na nang pasuca at hindi sungmuca, ang babaying pinananaugan n~g bouan, ang buntis, at ang bagong nacapan~ganac. Yaong man~ga maysaquit na yaon ay magaling purgahin sa pasucahin. Nota.

Magaling din sa man~ga babaying buntis, cun cailan~gang purgahin ang timbang sa icaualong ruibarbo na ibababad na magdamag sa isang tazang tubig, bago inumin nang babayi cun umaga yaon ding tubig na pinagbabaran noon, na ito,i, gagauing ilang arao.

At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap