United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang.... ¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan?

Isang munting camalian, isáng casalanang pinarusahan n~g boong calupitan, ang paglaban sa m~ga pagpapacalabis n~g m~ga may capangyarihan, ang tacot na cakilakilabot sa m~ga pagpapahirap, ang lahat n~g ito'y siyang sa canila'y nagtatapon magpacailan man sa labas n~g pamamayan at siyang sa canila'y ninilit na pumatay ó mamatáy.

At nagtindig ang matandang lalaki, na nagn~gin~gitn~git, at idinagdag, na nagniningning ang panin~gin, malagunlong ang tinig at sinasabunutan ang canyang mahahabang m~ga buhóc: ¡Sumpain acó, sumpain acó na aking piniguil ang mapanghiganting camay n~g aking m~ga anac; acó n~ga ang pumatay sa canila! ¡Cung pinabayaan co sanang mamatay ang may sala, cung hindi sana acó lubós nanalig sa justicia n~g Dios at sa justicia n~g m~ga tao, n~gayon disi'y may m~ga anac pa acó, marahil sila'y nan~gagtatago, datapuwa't n~gayo'y may m~ga anac naman sana acó, at hindi sila sana nan~gamatay sa capapahirap! ¡Hindi aco ipinan~ganac upáng maguing amá, caya wala acong m~ga anac n~gayón! ¡Sumpain acó, na hindi co natutuhang makilala sa aking catandaan ang lupaing aking kinatatahanan!

Malígò acó ... ¡hindî masamâ, lalong lalô na pagcâ nacatitisod n~g isáng dumi! ang sagôt ni Tasio, na palibác din namán ang anyô n~g pananalita, bagá man may pagca pagpapawaláng halagá sa canyáng causap n~guni't naghíhintay acó n~g lálong magalíng. ¿At anó iyón? Iláng m~ga lintíc na pumatáy n~g m~ga táo at sumúnog n~g m~ga báhay. ¡Hin~gín na ninyóng paminsanan ang gúnaw!

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap