United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang guinaua nang princesa niyong aabutan sila, ang coje niya'i, quinuha sa lupa'i, inihulog na. Naguing isang caragatan na malalim at maluang, hindi nanga nacaraan cabayo nang haring mahal. Di anong magagaua pa di na macahabol siya, guinaua nang hari baga benendicionan pagdaca. Sa pangalan nang May-gaua nang Dios Haring daquila, ito ngayong aquing sumpa tumaláb sa iyong paua.

Taghoy nang princesa ¡oh Vírgen María! patnubayi aco,t, iyong ipag-adyá, sa sentenciang bigay n~g hari cong amá tinatangap co po cahit ualang sala. Sa dalauang matá ang luha,i, nunucal sa habag na dala nang princesang mahal, maraual cong palad na quinahinatnan Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

Lubháng naibigan n~g m~ga indio at lalong-lalò na n~g gobernadorcillo ang comediang tagalog: nagpakita n~g malaking catuwaan ang gobernadorcillo at sinasabi sa aming sáyang daw at hindi pinapakipag-away ang princesa sa gigante na sa canya'y umagaw, bagay na sa canyáng balac ay lalò sanang caguilaguilalas, at higuit pa, cung hindî mangyaring talban ang gigante cung di sa púsod lamang, na gaya baga n~g isang nagn~gan~galang Ferragús, ayon sa nababasa sa casaysayan n~g buhay n~g Doce Pares.

Hanggang sa dumating doon sa Simbahan at sa laang tumba'y ilagay ang bangkay ginawa ang madlang man~ga katungkulan na pananalan~gin sa man~ga namatay. Tanang kailan~gan ay nang maganap na ay ibinaba nang bangkay nang Princesa at binendisyonan niyong Haring Ama at nakipagkamay naman ang asawa.

Siya ay maagang nagpapahin~galay at kung hatinggabi nagdidilig naman pagka't nagsisimba kung madaling araw at ito'y siya nang pinagkaratihan. Pagdating sa hardin siya'y mamimitas niyong sarisaring maban~gong bulaklak saka sa Princesa ay dadalhing agad doon ginagawa ang balang iatas.

Sa oras ding ito bagá ang músico'i, naualá na, ang negrito at negrita hindi na nila naquita. At ang frasco nga ang siyang bucód na natira lamang, siya ang quinalalag-yan niyong cay don Juan buhay. Ang uinica nang princesa diyata don Juan aniya, di mo pa naquiquilala yaong si doña María. Yayamang gayon din lamang aco'i, ualang cabuluhán, pagsisi nang casalanan at siya mong cahanganan.

Ani Juan Tamad ay tingni amigo nataua sa aqui,t, na-iibig aco, tumiguil na cusa titingna,t, tutun~ toua nang princesa ay di mamagcano. Uica nang princesa sa canilang dalua hayo,t, magpatuloy na cayo,i, malis na sa catouaan co,i, ang aquing hinin~ga nan~gan~gapós halos di na macataua.

Principe Pepino n~galan nang pan~ganay at Príncipe Luis icalaua bilang, na siyang nag-impoc niyong cabanalan caya't si S. Luis de Franciang natanghal. Infante Carloto ang icatlo bagá ang ica-apat ay Princesa María, icalima'y yaong Princesa Rolana at si Jenaponte ang bunsong Infanta.

Sa kinabukasan hari'y nagpalakad n~g utos na gawing pilit ang pagtupad na ang magsabing hindí niya anak ay paakasahang buhay ang katapát. Nagpatabas nan~ga n~g damit princesa pinili ang kayong lalong mahalagá at kapagkayari'y ipinasuot na walang hahan~ga sa himalang ganda.

Sa gayong palaging man~ga bigkas niya napapansin naman nang bunying Princesa kaya n~ga at pilit na tinanong siya na kung sino yaong dukhang sinisinta. Hiling mo pong ito'y kung ipatanto ko ay kamatayang ko't sukal nang loob mo titiisin ko na karatnan ma'y ano't huwag nang maturang taksil pa sa iyo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap