United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na.

Cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailan~gang pasucahin nang mahinang pasuca, número 35; at cun hindi manabi para nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang maminsan-minsan nang caunting ruibarbo ó maná, número 82. Nota. Cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan dahilan sa man~ga sinasaysay sa capítulo 74.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap