United States or Cayman Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saca uiuicaing ¿ano caya ito? saan nangagaling itong aquing bunsó, sa touing cacain lamang paririto ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co. Matapos cumain guinaua nang iná inaban~gan niya cun saan pupunta, iná,i, sumusunod na sa huli niya natanto,t, naalman ang tahanang sadyá.
¿Oh bunsong anác co,i, baquit caya naman cabutóng iná mo,i, pinababayaan? talastas mo aco na uala sa bahay lagay ang loob co,t, ang casama,i, icao. N~gayo,i, sumagót ca,t, n~g maalaman co lulan nang loob mo,t, m~ga guinugusto, di paquinaban~gan icao nang iná mong lauong nag aruga,t, nag pasupasuso.
Marami rin namang man~ga bata dito sa caapid bahay, na naquiquita co, itong aquing anác caibang totoo na palaguing uala at di masugo co. ¿Ano caya bagang talaga nang Dios di paquinaban~gan ang anác cong irog? gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.