United States or Åland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi mahahalal na matandá at catiuala ang hindi maaaring mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16 nitong Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay. Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan.
Ang Presidente sa sarili niyang isip ó sa hamong n~g alin man sa caniyang m~ga Kagauad ay macapaghaharap sa Kapisanan n~g ano mang panucala n~g cautusan; n~guni't bago gauin yaon ay didinguin muna ang Tanun~gan. Bucod pa'y nauucol sa caniya itong m~ga malaquing capangyarihang susunod: Una.