United States or Heard Island and McDonald Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya ang saguing ang man~ga, ates , ang albay , ang duhat ang sapinit, ang dalandan, at ang iba pang bun~gang hinog na hinog nang cahoy, ay macacain nang maysaquit, sapagca macaguiguinhaua sa caniya yaon. Ang maysaquit painumin nang malimit nang alin man doon sa sinabi co na sa párrafo 15.

Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang suero nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.

Maigui ring painumin n~g pasuca número 34, ó número 35; cun baga hindi naniniya yao,i, sumpitin nang usoc nang tabaco párrafo 457. Cun minsan cailan~gang sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun hindi siya macahin~ga nang maloualhati. Mabuti namang pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang man~ga paraan at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan.

Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad n~g iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan.

Ang sampaloc número 47 ay houag palaloin sa timbang dalauang piso, cundi maliuag mapurga ang maysaquit. Ang extracto nang talampunay na bilin sa número 57 ay sucat na ang timbang dalauang butil na palay noon sa caunaunahang inom saca cun malauon at ualang nararamdamang masama ang maysaquit, ay bago painumin siya nang marami rami noon.

Cun baga hindi sucat painumin nang pasuca ang maysaquit, ay big-yan cun umaga nang bilin sa número 24, timbang tatlong bahagui, na uubusin sa tatlong inom, na ang pag-itan nang isa,t, isa, ay isang oras. Quinabucasan nang umaga ay gayon din ang ipaiinom sa caniya.

Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hinin~ga, pati nang ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan nang carne, sabao, itlog, triaca, at nang iba pang man~ga maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura, cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon.

Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.

Yaong man~ga tauong inuupahan nang paglilinis nang man~ga pusalian ó man~ga lugar na mabaho, ay maigui painumin muna nang caunting aguardiente ó alac na matapang nang houag macapagcasaquit sa canila ang sin~gao na masama n~g canilang linilinisan.

Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao nang mapauisan pa mandin.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap