United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong tubig na sinamahan nang caunting asin ó azucar , at pagcaraca,i, pasucahin nang maraming tubig at lan~gis, ó nang bilin sa numero 34 ó 35.

Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número 20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at alac , lalo pa cun gab-i. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang pinacasin~gao ó pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa n~gipin, hindi lubhang malaqui ang saquit.

Paiinumin nang maraming tubig na malacuco, ó nang tubig na malacuco rin na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Doon sa tiyan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig. Houag painumin nang alac ó triaca , ó nang ibang man~ga maiinit.

Paiinumin naman nang malimit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang cauntin salitre, ga timbang saicapat sa sampuong tazang tubig Macaapat maghapon, ay paiinumin nang bilin sa número 61, timbang calahating saicaulo ang isang inom, na isasama sa isang cuchara noon ding tubig na pinaglagaan nang alagao.

Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang aso, lalahiran nang lan~gis ó lana man, at babalutin nang basahang babad din sa lan~gis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa número 35.

Cun malubha na ang maysaquit, hindi ang sin~gao nang tubig, cundi ang sa suca, siya ang sipsipin nang malauong panahon. Magaling ding lag-yan ang maysaquit sa dibdib at sa liig nang bilin sa número 9. Cun ang lagnat ay totoong laqui paiinumin touing oras nang bilin sa número 10, ga isang cuchara carami, na maisasama doon sa datihang ipinaiinòm sa caniya.

Ang tauong sinumpong n~g galit, ó nang pamamanglao, at nadesmayo dahilan doon, ay paamoyin siya nang suca, at paiinumin n~g malimit nang tubig na malacuco, na pinaglagaan n~g balat nang dalandan ó dayap. Pag nasaol-an ang maysaquit ay painumin nang limonada número 33, at sumpitin nang bilin sa número 5.

Ang maysaquit na guinamot nang gayon, cun baga nalauo,t, hindi pa gungmagaling na tatoo, bagcus naroon mahina,t, hapay ang caniyang loob ay paiinumin nang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui maghapon. Cun sa iyong bahay mayroon cang in~gat na mercurio ay siya na yaon, at hindi cailan~gang magsugo canang tauo sa botica.

Capag napainom na siya nang bilin sa número 34, ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa número 51 sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin sa número 3 lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang bilin sa número 51; saca ilalagay ang may catauan sa husay nang maysaquit na magaling-galing sa capítulo 5.

Pagca ang maysaquit pinaiinom na parati sa loob nang dalauang arao nitong man~ga turo co n~gayon; cun baga ang bibig ay mapait pa, at ibig niyang sumuca, ay paiinumin nang bilin sa número 34. Itong polvos na ito,i, hindi sucat inuming minsanan, at totoong tapang yaong pasucang yaon.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap