United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua cun hindi malagquit at maganit ang inilulura, houag gamitin itong man~ga bilin, cundí ang gatas nang baca, na siya lamang ang caniyang cacaning parati ó cun ibig isama sa caniyang quinacain. Saca macaapat maghapong paiinumin nang bilin sa número 14 na isinasama sa caunting tubig.

Cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, ó sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa cólico bilioso párrafo 364, ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5.

Pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay paiinumin agad nang maraming malacucong tubig nang houag siyang mahirapan niyong pagsucang yaon.

Cun baga hindi rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10; at cun malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin. Itong gamot na ito,i, nagpapababang madali nang lagnat.

Touing umaga,i, palolonocquin nang tatlong píldoras número 78; at pagca lon-oc noon, ay paiinumin tuloy nang dalauang taza nang bilin sa número 12. Mabuti ring purgahing maminsan-minsan nang turo sa número 21.

Cun magaling na sa rati ang maysaquit, at pinurga na siya at malinis ang dila, datapoua nalalagnat pa siya minsan arao-arao nang ilang oras lamang calauon, ay paiinumin agad pag umunti ang lagnat, nang timbang isang salapi nang bilin sa número 14, sa apat na inom, na yao,i, itutuloy gagauin nang ilang arao.

Ualang ibang ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa número 2 ó 4; at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat, touing oras ay paiinumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10.

Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na.

N~guni ang gagauin sa ganoong maysaquit, ay gayon: Sasangrahang minsan ang maysaquit, ó macalaua, cun siya,i, mataba,t, marugo. Paiinumin siya namang parati nang suero número 17, Palolonoquin nang píldoras número 18, at paiinumin naman nang sa número 24. Bucod dito,i, pupurgahin siya nang turo sa número 47. Maigui rin doon ang bilin sa número 71.

Susumpitin ang maysaquit nang tubig na malacoco na may caonting gatas; paiinoming parati nang tubig na malacoco rin, na ang sa icalimang bahagui ay gatas; cun ualang gatas, paiinumin nang bilin sa número 2; lalag-yan naman nang man~ga basahang babad sa tubig na mainit-init sa liig, sa dibdib at sa tiyan.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap