United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sabay naman nang pagsumpit ay painumin ang maysaquit nang isang taza ó isang mangcoc na chá na mainit, na napatacan din nang anim cun ualong patac na láudano; at cun ualang láundano,i, haloan ang chá nang isang cucharang aguardiente, anisado, coñac, ó ano mang alac na matapang.

Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurun~gan nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa pagsibol nang n~gipin, ay cailan~gan doon ang pagsumpit at ang baños hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86.

Cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi siya nag-iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang lana, n~guni houag lagyan nang pula nang itlog. Maigui namang basain ang camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig na malacuco. Cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,i, hindi cailan~gan siyang purgahin ó pasucahin.

Cun ang maysaquit ay dungmoroual na parati, at mapait ang bibig niya, at yaong man~ga bagay na yaon ay hindi iuala nang limonada,t, nang pagsumpit, ay big-yan nang sa número 23 ó nang sa 24. Masama roon ang pasuca. Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin ayon sa turo sa párrafo 419 at sa 420, ó para nang turo sa párrafo 401.

Ang minsang sumpitin ang tauo ay magaling pa sa inomin niya ang apat na gayón tubig; caya sucat pagpilitang gauin sa maysaquit itong ganitong pagsumpit, palibhasa,i, nacacaguinhaua sa caniya; houag lamang gauin cun pinapauisan. Sa librong ito ay sasabihin co, cun anong magaling isumpit sa baua,t, isang saquit.

Cun malaquing totoo ang caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. Cun hindi rin nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,i, magaling ang catauan nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan. Ang man~ga paa niya itatapat na malauon sa sin~gao nang tubig na mainit bago ibabad sa malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang maysaquit sa man~ga binti.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap