United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, ó capoua bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat. Si Urbana cay Felisa . MANILA.... FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto, sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i, lumaqui na.
Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na mahaua sa canilang casamaan. Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.
Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalaró ta, nang quita,i, musmós pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusunód, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagauá co n~gayon.