United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni,t, cun ang tauong quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing madaling-madali doo,i, gayon. Sasangrahan, ó cucunan nang maraming dugo, at ito,i, uuling gagauing macalaua ó macaitlo ó macaapat, cun baga cailan~gan.
Yaong man~ga tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag-iin~gat sila sa han~gin, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat; bago,i, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam.