United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ngayon ay waring madilim na lahat at sinasakmal ng ulap ang kanyang magandang pagasang pinapangarap. Wala na si Leoning, na siyang pinagkukunan niya ng dating sigla sa buhay. Wala na ang kanyang irog na siyang dating laging nagaalaala sa kanya, na, pagaaalaalang yaon ay siyang nagiging daan ng kanyang pagsisikap sa lalong mga dakilang bagay na gawain. Oh! wala na nga siya, wala na!

Nguni't kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? Katulad ko Leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan. Datapwa't ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si Eduardo ay muling nangusap. Leoning, kailan pa?

Bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? Nasaan ang kanyang dating paglingap kay Leoning? Nilimot na kaya niyang lahat? Datidati nga naman agad siyang sinasagot ni Eduardo. Datapuwa't ngayon? Oh! parang ulap ang pagasang siya'y makatanggap ng sulat mula kay Eduardo. Bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? Kahabaghabag na Leoning!

Datapuwa't hindi, si Eduardo ay isang may magandang bukas. Hindi pa lamang dumarating ang kanyang araw, hindi pa lamang ganap na sumisikat ang magandang liwayway ng kanyang palad ... Oo, si Eduardo ay hindi rin naman lubhang kaabaabaan sa harap ng kinatawang ito. May maningning siyang bukas na hinihintay. Siya ay may maningning na pagasang kasing uri ng lantay na ginto. Higit pa marahil sa ginto!

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap