United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa isang dako'y ipinagtatalo n~g kanyang loob ang hindi pagkatupad n~g kapan~gakuang iniwan sa kanya n~g babaeng pinagsanglaan n~g walang tubos n~g kanyang kaisa-isang pusong namana sa magulang, saka ang m~ga balitang tungkol sa babaeng iya'y inihatid sa kanya n~g isang binatang itinuturing na kaibigan; samantalang sa kabila nama'y hayan ang kalatag n~g mestisang sa mula't mula pa n~g kanilang pagkikilala'y wala nang ipinatamasa sa kanya liban sa di karaniwang pagtatan~gi't tuwina'y pagkahalina sa anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang m~ga tula ... Samantalang ang m~ga pangyayari at ang m~ga natatanggap na balita'y nagtataboy sa kanya upang pagbuntuhan niya n~g n~gitn~git at ikahiya sa kabatiran n~g iba si Teang, si Elsa naman ay patuloy na nagpapasinaya sa kanya n~g, mataas na pagtin~ging sukat lamang hintin sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing nananagisag n~g kawagasan.

Huwag kang magalapaap ng loob. Eduardo, manalig na kaya ang palad ko? Manalig ka Leoning ko. Isinusumpa mo. Tunay. Hanggang.... Hanggang libingan. Anong tamis nga naman ng dalawang pusong naguulayaw at nagmamahalan? Anong ligaya ng dalawang pusong ang katamisan ng pagibig ang siyang naghahari? Ang hamog ng pagibig! Kay tamis sa dalawang puso!

Walâng tugot ng katatakbó ang dalawang magkatóto. Lumalaon ay lumalaki ang pagitan nila at ng sasakyan. Sasabihin ng mga pusòng mahihin

N~guni't nang matapos kami n~g agahan tumangap na mulí n~g padalang liham na ang hinihiling niyaong karain~gan ang magandang nasa'y bigyang kasagutan. Narito Marcela at iyong abutín itong ikalawang hatid na pagdaing Dalmacia'y oo n~ga't aking babasahin na kung anong bagay ang sa pusong hiling. Ang pagbasa ni Marcela sa pan~galawang hibik ni Constancio tungkol sa pag-ibig.

Ang isang pusong salawahan at walang iisang pagibig ay asahang pusong marungis na siyang magtuturo ng landas sa kapariwaraan; at pusong siyang magdudulot ng kasawian sa kapwa pusong dalisay at wagas. Ngayon ay iniwaksing lahat ni Eduardo ang mga gunitang: nauukol kay Leoning! Nalaman niya ang lahat. Kay sama ng ibubunga kung ang isang pusong tatangkilikin ay isang pusong walang iisang pagibig.

Lumacas at yaong cataua'y humusay na anaki parang nagdahilan lamang, Hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay. Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas.

Gayón na lang ang pagmamahal ni aling Tinay sa kanyáng anák, gayón na lang ang pagkabúlag ng kanyang pag-ibig, na kahì ma't alam niyáng siyá'y sasalansáng sa isáng mahigpit na utos, kahì ma't alam niyang siya'y pilit na uusigin, at magdurusa sa bilangguan, ay hindî nangyáring huwag pagbigyán-loób ang kahulíhulihang bilin ng tánging bulaklák ng kanyáng pag-ibig, ang katapustapusang hibík ng isáng pusòng bayáni ng isang pusòng makabayan, ang pahimakás na hilíng ng pinaglagakán ng boô niyang pag-ása, ang kahulíhulíhang tibók ng búhay niyaóng masunurin, masipag, mabaít, at magalang na anák, na sa gitnâ ng gayóng katandáan, ay siyáng ligaya ng kanyáng matá, paraluman ng mga pangarap, at dangál ng kanyáng pagka-iná.

Ito na ang mulang ipinagkaramdam nang pusong nalugmok sa kapighatian kaya't hiniling nang siya'y magkumpisal at sa kamataya'y humanda ang buhay. Kaya n~ga't ang tuwa ay biglang lumipas at sa kalumbayan sila'y nan~galagak Princesa'y humin~gi nang tawad sa lahat sa hanay nang madla, buhay ay nautas.

Doó'y n~ga ikinahihiyâ ó itinatagò ang pagmamahalan n~g dalawáng pusòng nagsisíntahan, at ang kadalasán, sa m~ga lansan~ga'y makikita ninyóng naghahalikan ang isáng laláki't isáng babai, n~g sino ma'y hindî nagtataká; pagkâ't doón, ang halik ay halos parang isáng pagkakamáy lamang n~g dalawáng magkatotong nagmamahalan. N~guni, dito sa boóng Kapilipinasan ay lubhâng nakamúmuhî ang iláng palakad sa m~ga bagay na itó, pagkâ't ibinabawal n~g m~ga magulang sa m~ga anak nilang dalaga ang pakikipag-usap n~g tungkól sa pag-ibig sa isáng laláking may nas

Hindi makakatkat ang m~ga talata Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya, At kung mayroon pang tagistis n~g luha Ay luhang nanggaling sa pagkariwara. Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat, Diyan makikita ang mukhang may hirap At pusong malaong lunod sa pan~garap.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap