United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nilimot ng kanyang kasintahan, nilimot ni Leoning, na, ngayon ang kanyang naging palad, oh! ang kanyang naging palad ay naritong magtiis ng hirap, siklutin ng bagabag, tulad ng bulaklak na nalalanta, tulad ng liriong natutuyo, kumukupas ang dating kasariwaan, nalalaing ba wari. Dahil sa sumpa mong nilimot Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot oh!

Pagka't marahil ay narito ka na sa siudad. Na, sa makatwid ay sinisisi mo si Leoning? Hindi, at naliwanagan ko ang lahat. Maliwanag na iyong nilimot. Leoning hindi mo na kailangang pahirapan ang aking puso. Dinaramdam mo ang hirap ng iyong puso nguni't ang abang palad ko ay di mo namamalayang ang titiitiis ng dahil sa pagaalaaala sa iyo. Leoning tunay kaya?

Leoning ngayon ay walang ibang tinitiis ang puso ni Eduardo kundi ang mahahapding sugat, sugat na walang lunas, wala na kundi kung pamuling magbalik ang kahapong kaligayahan nila. Ngayon ay waring tinik na dumuro sa kanyang puso, tumagos sa kanyang dibdib hanggang sa kaliitliitang ugat ng kanyang kaluluwa, iyan ang dahil lamang sa sumpang nilimot ni Leoning.

Dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na, walang ibang kinakaulayaw, kundi ang mga sakit, ang mga dalamhati, ang mga dusang kapanglawan sa buhay. Oo, nga Leoning hindi na marahil hahaba pa ang kasaysayang ito, matatapos na sapagka't wala na, wala't dahil nga sa sumpa mong nilimot ay waring matatapos na ang lahat.

Oh! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! Wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni Eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ¡Ay! oo dahil lamang sa iyo Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot! Leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? Nahan ang dakila mong sumpa? Bakit nga naman Leoning?

Wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. Si Leoning nga naman! Nawala na nga kaya sa alaala ni Leoning ang lahat? Diyata't nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? Kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni Eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay!

Ayaw na siyang sakluluhan ng isang Eduardo sapagka't ang kapighatian niyang yaong naging palad ay dahil sa sumpang nilimot. At, ngayon si Leonora ay hindi na makalapit sa piling ni Eduardo sapagka't para ba sa kanyang sinasabing: Leonora, hala, ako'y napopoot na saiyo, hindi na kita hangad na makita, alam kong wala kang iisang puso, walang iisang pagibig.

At madalíng namun~ga nang maganda ang paghin~ nang auá sa Poon San Josef, sapagcat sa unang Domingo ay dinalao ang maysaquit nang isang Sacerdote, at ito ay tinangap na mahusay, at pinagsabihan na ibig niya ang Confesion: at nagpaquita nang taimtim na pagsisisi, at quinabucasan ay hinin~gi ang Viático, at ang Oleo Santo: at cahit hindi na macacaya sa lubos na cahinaan, ay nagpilit na lumuhod sa hihigán, at paluhod na tinangap si Jesucristo, na mahabang arao na nilimot: at mulâ niyon at tumahimic, at naquitaan nang casayahan hangan sa namatay.

Nguni't, oh palad! Naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka't buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si Eduardo. Sadyang si Leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. Minsan lamang kung sumumpa sapagka't siya ay may dangal at may puri. Ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.

Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya si Elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay.

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap