United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang "aklatan" ay ginawa namang "biblioteka" at "libreria", at tama na rin ngayon.

At, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni Eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? Ano ang kanyang sasabihin? Si Eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. Tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. Nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan.

Oo, sa pangyayaring yaon ay matila na lamang sa mga pangarap. Ang naglahong araw na di na pamuling magliliwayway ang liwanag. Ang maningning na pagasa ni Eduardo ay waring may nakabadhang ulap. Ano ang kahulugan ng lahat ng iyon? Aywan din natin. Kaya sa pagiisa ngayon ni Eduardo ay nakikita na lamang niya ay ang nagtutumulin na paglubog ng araw ng kanyang pagasa.

Anitong matanda't, saysay pasasaan ca don Juan, sabihin mo't, iyong turan ang layon mo't, iyong pacay. Anang príncipe at badyá ganito po'i, maquinig ca, sasabihin cong lahat na ang sadya cong quiniquita. Ang ama co'i, may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong Adarna lamang ang caniyang cagamutan. Bucód dito ang isa pa ngayon ay tatlóng taón na, na hindi co naquiquita ang capatid cong dalauá.

Kaya, hindi katakatakang makita ang mga ganitong pagkakasulat: "pag saulan", "nag-iisa", "pagsuyo", "pagsintá", "mapag uunaua", magpahangang libing", "pag luha, "mag pahangang daong", "pag sintá", "pagca gapus", "pagca-búhay", "pinag liluhan", "isáng na aba," "pag ayop", atbp. MACALIGTAANG CO ... Narito na naman ang isang kasagwaan na ngayon, bagama't magandang pakinggan noong araw.

Isang bayani siya na sa pakikidigma ay nagwagi na taglay ang laurel ng tagumpay.... Sa harap ni Leoning ay naging mahalaga siya; lalong naging dakila sa puso ng kanyang paraluman. Si Eduardo, ngayon, ay siyang pagasa at dangal ng kanyang irog: ni Leoning. Siya ang pagasa, ang pagibig, ang buhay....

Sa pakiwari niya ay walang kasing halaga, walang kasing uri, nasa tampok siya ng gintong tagumpay at pagkadakila, dangal ng kanyang sarili at kapurihan sa harap ng sino mang tao. At, ngayon sa harap ni Leoning ay siya'y isang bayani.

Aywán din ngâ. Samantala'y ating masdán ang mga kílos ng laláki. Hindî na siya ngayón nakatigil, lumalákad at tinutungo ang báhay. Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ngayo'y lumabás sa silong at lumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng pintùan. Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya'y may katandâan . Bukód pa sa pandak, ang katawán niya'y hukót at payát na payát.

Ito nga namang mga lalaki, pag-ibig magsinungaling ¡inaku! hindi mo ako mapaniniwala ... Huwag kang magpumilit, huwag; at baka sabihin ko pang kaalam ka ni Enchay nang ako'y padalhan ng sulat.... At ... namula ka. May katwiran yata ako, ha, ha, ha. ¿Wala? ¿Bakit ka namula? Talagang may sala ka. ¿Namamali ako at iniibig mo pa ako hanggang ngayon? Sagutin ko kung may maasahan ka pa sa akin?

Kaya't wala na siyang sinikap kundi ang maghanda. Kung baga sa digmaan ay para siyang lulusob. Sa Tundo, kay ligayang pook! Si Leoning ay doon naninirahan at bagama't ang pook na ito ay may kaunting kalayuan sa kanyang tinitirahan ay naging gayon na lamang kalapit para sa kanya. Kung noong una ay di man lang niya kinagigiliwan paroonan, ngayon ay siyang paraiso ng kanyang puso.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap