United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang.... ¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan?
N~guni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa linilin~gap co ang capurihan n~g religión. Itinun~gó ang úlo n~g matandáng filósofo.