United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung nagcacagayo'y anaki'y dumidilim na lahát sa ating paliguid, at sacali't macakita tayo n~g isáng máliit na ilaw sa maláyò, tinátacbo natin ang ilaw na iyón, pinag-uusig natin, at hindî natin alumana cáhi't makitang sa calaguitnâan n~g landás ay may isang malalim na ban~gín. Ibig n~g ináng iligtás ang canyáng m~ga anác, n~guni't ¿paano?
Hindî miminsang nasubucan ang táong itó ni María Clarang siyá'y pinagmámasdan: cung nagcacágayo'y dalidaling tumítin~gin siyá sa ibáng dáco at tumátanaw sa maláyò, sa bundóc, sa pampáng. Nahabág ang dalaga sa canyáng pag-íisa, cayá't cumúha n~g iláng galleta at sacá inialay.
Gayón man, pagca siya'y inaalayan n~g masasayáng m~ga aglahi'y tinatácpan niya ang canyáng mukhâ n~g abanico; datapuwa't pagca nagcacagayó'y n~gumin~gitî ang canyáng m~ga matá at lumalaganap sa canyáng boong cataohan ang bahagyang kilabot.