United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si Semel. Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.

"Oh! Pagpápapatayín ko ang mga iyán!... "Oh Gerardo! Oh Rustica! Magsipagtagò na kayó, mga walânghiyâ!... Sáyang ang áking pagkamámamátay kapág kayo'y pinatáwad ng aking patalím! !Hu hm!!" At lálong dinalasán ang hakbáng, lalong ipinagdiínan ang yabág. Walâng anó-anó'y bigláng tumígil.

Iyan ngayon ang kanyang kinagigiliwan. Sa kanyang kalooban ay buo na ang pagasa at pananalig na makausap ang kanyang irog. Mababatid ni Eduardo kung ano ang dahilan at si Leoning ay naparito sa siudad. Mababatid rin naman ng ating binibini kung ano ang sanhi ng kanilang pagkakatigilan ng pagpapalitan ng mga balita ng kanilang pagsusulatan. Para sa binata ay kay buting pagkakataon.

Paanong kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap namin ng katawan? At inisip kong: Ako'y namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang ako'y saklolohan. Nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag-anyong marahas at nagpatuloy ng paglakad ... Nawalan ako ng pag-asa.

Walangpalad na binata at lumubog ang maningning na pangalan! Ganyang pangungusap ang madalas na pinaguusapan ng kanyang mga naging kakilala na di nakakamalay ng kanyang lihim. Sayang na Eduardo, na, may maningning na pagasa sa kinabukasan na lumubog at nawala't sukat. Ang kanyang pangalan, ngayon ay nawala na, at, sa pagkawalang iyan ay maraming nagtataka dahil sa malamalikmatang pagkaparam.

Hindi niya nalalaman na noon pa lamang mga panahong nakaraan ng kanilang pagsasama ay siya ay pinagsusukaban na ni Leonora. Kaawaawang Daniel Perez? Ang kanyang buong akala at pananalig ay matapat sa kanya ang kabiyak ng pusong si Leoning, datapwa't hindi niya nalalaman ay pinagtataksilan pala siya.

Para kay Eduardo ay naging ilaw naman niya sa paglakad ang gayong mga ginawi ng binibini. Anong laking kahihiyan kung ang lahat ng lihim na naging puno't simula ng kanyang paghawak ng rebolber upang ipamaril ay mamalayan ng mga magsisi pagusig? Diyata kaya't kanyang ipagtatapat ang lahat ng iyon?

Buhat noon, ang pañgalan ng kumatha, na, nang mga araw na sinabi'y hinañgaan ng Bayang Tagalog dahil sa matatapang niyang lathalang lumalabas sa mga pahayagan, ay naligpit na rin at di na napagdiníg. ¿Saan naroon si Ismael A. Amado? ¿Saan naroon ang batang manunulat na tubo sa San Mateo?

LUSINO. Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca paliparing tulad ng asuang. Sila rin. JOSEFO. ¡Hayo na! ñgayon din!... Icao ay magsuot ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios ng upang magligtas ang boong tugatog sa bala ng Mauser at mga dayucdoc. CHITO. Sa aquin ay bagay ang gayac na ito. KALINT. Di nababagay sa iyong pagcatauo. CHITO. ¿Baquin baga hindi ibig na catoto?...

Ang aklat na ito, sakaling sa pagkatunghay ninyo sa mga dahon, ay di kakitaan ng mga matatamis na pangungusap, ng matatayog na pagkukuro ng kaisipan, at gayon din, sakaling di maging masarap sa inyong panglasa ang nalalaman dito, ay hinihiling ko ang paumanhin ng madla sa abang kathang ito; pagka't ako ay hindi isang tanyag na manunulat at mangangatha.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap